π£πππ£ππ£ππππππ¦ π‘π ππ’ππππ’π₯ππ¦π¬π’π‘. Kinikilala ang mahalagang papel ng mga magulang sa kabuuang paghubog ng mga mag-aaral, nagsagawa ang St. Dominic Academy of Pulilan, Inc. ng oryentasyon ng mga magulang at unang asembleya nitong Sabado, Agosto 17.
Sa kanyang pambungad na pananalita, nagpasalamat si Sr. Mailyn P. Bolivar, OP., Direktor ng SDA, sa mga magulang para sa kanilang patuloy na suporta. Kinilala nya rin ang mahalagang papel ng mga magulang sa edukasyon ng mga bata na kanilang ipinagkatiwala sa paaralan. Ibinida rin niya ang mga patulo na pagpapaganda sa paaralan gaya ng mga pagsaasayos sa gymnasium at sa harap ng opisina ng mga guro.
Ipinagmalaki rin ni Sr. Bolivar, OP., ang muling pagkakamit ng limang taong accredited status ng SDA mula sa Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges, and Universities (PAASCU) kung saan malaki aniya ang naging papel ng mga magulang.
Sa kaniyang bahagi, ipinakilala naman ni Bb. Leonisa A. Cruz, Punongguro, ang mga kawani ng SDA. Matapos nito, nagsalita ang pangulo at pangalawang pangulo ng Lupon ng mga Magulang o Family Council na sina Gng. Emelita SP. PeΓ±aflor at G. Oliver Angeles.
Pagkaraan na isahang asembleya sa gymnasium, nagpunta na ang mga magulang sa silid-aralan ng bawat pangkat at doon ipinagpatuloy ng bawat gurong tagapayo ang oryentasyon.
mga larang kuha ni Levi Dan San Pedro, isa sa mga punong litratista ng OD
---
© by Steven Gabriel T. Garcia. All Rights Reserved.