Sa paggunita ng ikatlong araw ng Family Rosary Crusade, pinangunahan ni Rdo. P. Manuel Anastacio ng San Isidro Labrador, Bulihan, Malolos ang mensaheng "Keep focus on Christ, we keep our faith in Christ," na tinawag niyang KFC. Ang pagkakaroon ng matibay na pananampalataya kay Kristo ay nagdudulot ng pagkakaisa at pag-asa sa bawat Katoliko, lalo na sa panahon ng pagsubok. Sa banal na misang ito, hinihikayat ang bawat isa na iwasan ang mga bagay na maaaring makapaglayo sa atin kay Kristo at sa tunay na halaga ng buhay.
Ayon kay Padre Manuel Anastacio, kapag ang mga Katoliko ay may pananampalataya sa Poong Maykapal, hindi na nila hahangarin pa ang mga materyal na bagay na nakatuon lamang sa kanilang sariling kapakinabangan. Marapat na simpleng hangarin lamang ang isulong, dahil kung pinagkakatiwalaan si Kristo, tulad ni Job na sinubok sa lahat ng kanyang pinagdaanan, ay nakapagtiisat nanatiling nakatuon lamang sa Panginoon at hindi sa mga materyal na bagay.
Ang mga ito ay nagdudulot ng inggit, pagtatalo, at eksklusibidadna hindi nararapat mangyari sa ating lipunan. Dapat tayong magtuon ng pansin kung paano pagyabungin at pagyamanin ang lipunan sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, tulad ng isinasaad sa librong isinulagni Pope Francis na “Fratelli Tutti” (On Fraternity and Social Friendship) na sinasabingmahalaga ang inclusivitylipunan, kundi pati na rin sa mundong ating ginagalawan.
“If we focus ourselves on Christ, we do not exclude our brothers and sisters; that’s pharisaical mentality, that’s exclusivity. Kung ganito ang [iyong] mentalidad, hindi ka tunay na Katolikong Kristiyano. [Sapagkat] Ang pagiging Katoliko ay nangangahulugang pagiging open-minded, all-embracing, at all-welcoming. Dapat tayong tumanggap, tulad ng ginagawa ni Kristo sa atin. Siya ay isang inclusive God, kaya ang ating relihiyon ay isang inclusive religion,” saad ni Rdo. P. Anastacio.
Pinabulaanan niya na sa kasalukuyang henerasyon, na masyado tayong nalulunod sa mga materyal na bagay, tulad ng cellphone, na nagiging dahilan upang makalimutan nating umahon at mag-tuon ng oras para sa Salita ng Diyos, na dapat nating lubos na pinapahalagahan. Sa halip, ang ating atensyon ay tila imiikot lamang sa mga bagay na walang katungkulan sa ating pananampalataya.
Muli niyang binigyang-diin ang mga katagang “Keep Focus on Christ,” na nagpapahiwatig na kapag ang ating sarili ay nakatutok lamang sa Panginoon, ang lahat ng ating hangarin at pasanin ay tatanggapin natin ng buong puso, at dadalhin tayo sa tamang daan tungo sa isang buklod-buklod na samahan.
Bago niya tapusin ang kanyang pangangaral, nag-iwan siya ng mga katagang, “If we keep focus on Christ, it will keep our faith in Christ; everything will fall into its proper place, its beauty, its goodness, its truth in each of us.” Sa pagtatapos ng ikatlong araw ng pagnonobena kay Inang Maria, hinihimok ang bawat isa sa atin na bitbitin ang mensaheng ito sa araw-araw na buhay Katoliko upang mas mapalalim ang ating pananampalataya sa Diyos at pagmamahal sa kapwa.
© by Steven Gabriel T. Garcia. All Rights Reserved.