Dominates, Pasok!
Bagong taon sa SDA, binuksan na!

Bagama’t maulan, hindi napigilan ang pagsikat ng umagang kay ganda sa St. Dominic Academy of Pulilan, Inc. (SDA) nang opisyal na binuksan ng nasabing paaralan ang balik sa buwan ng Hunyong panuruan 2025–2026 na may temang Dominates: Pasok mga Dominikano!

Taos-pusong tinanggap ni Sr. Mailyn P. Bolivar, OP., Direktor, ang mga Dominates o ang mga Dominikanong mag-aaral kung saan kaniyang itinuring ang SDA bilang isang “place of purpose and passion” para sa bawat isa.

Kasunod ng pagtanggap sa mga mag-aaral ang pagpapakilala sa mga guro at iba pang mga kawani ng paaralan, sa pangunguna ni Bb. Jessica B. De Guzman, isa sa mga guro ng SDA.

Binigyang-diin naman ni Bb. Leonisa Cruz, punong-guro, ang kahalagahan ng pagyuko at muling pagbangon sa pamamagitan ng pagbibida sa alamat ng kawayan at narra.

Sa huli, sama-samang winika ng mga mag-aaral, sa pangunguna ni Bb. Cruz, ang mga katagang: “I’m ready to learn, ready to serve, ready to make a difference.”

photos courtesy of the OD Media Team
Rhionna De Asis at James Carlos Flores

Comments

Leave a comment

Get In Touch

WR3X+6VC, Pulilan, 3005 Bulacan

odmaisu@gmail.com

Follow Us
Categories
OD Photos

© by Steven Gabriel T. Garcia. All Rights Reserved.